Linggo, Disyembre 8, 2019

IV.Audio Media

Tao Lang-Loonie ft. Quest

Parinig naman ng rap mo, sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo, arbor na lang 'yan
Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle?
Takot ka bang matalo, ha?
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
'Wag sanang apurado, ano'ng magagawa ko?
Wala akong maisip, masyado pang mainit
Akala mo tuloy, mukhang suplado 'pag tahimik
Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao
Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag-uwi ko pa, para bang hindi ko malaman
Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
Laging puyat, nagkalat ang papel na nilamukos
Ang dami ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking ballpen, malapit nang maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin?
Dapat bang kamuhian
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na
Kasi, sapul sa pagkabata, sablay nu'ng tumanda
Lumakad, humakbang, hanggang sa madapa
'Wag kang mawawalan ng pag-asa
'Wag kang madadala
Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya 'wag kang matakot magkamali
Pero alalay lang, 'wag kang masyadong magmadali
'Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sa 'kin ni inay
Na kadalasan ay hindi nasusunod
Ayoko nang sumali, gusto kong manood
Minsan wala ng gana, ayoko nang mag-rap
Kasi akala ko dati, alam ko na lahat
'Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko?
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin?
Dapat bang kamuhian
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na
Pero 'di ba, tao ka lang din, hindi mo ba napansin?
Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti, bakit ganu'n pa rin?
'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin
Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam
Ano'ng magagawa mo, tao ka lang
Napapagod, natatakot, naiinip
Natatawa, nagtataka, naiinggit
Nangangawit, nagagalit, nabibigla
Nalulungkot, nauutot, nahihiya
Natutukso, nakukonsensya, nauubusan din ng pasensya
Nasasaktan, nagmumura
Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (mali ba na magkamali)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (ako'y katulad mo)
Ano ba ang dapat na gawin?
Dapat bang kamuhian
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (mali ba na magkamali)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang, pasensya na)
Ano ba ang dapat na gawin? (ano ba?)
Dapat bang kamuhian (ano ba?)
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Kagaya mo, tao lang
Pasensya na (tao, yeah)
Pasensya na, tao lang
(Pasensya na) Wala tayong pagkakaiba
Pasensya na, sorry naman
Kung pwede lang sanang isoli na lang
Pasensya na
Creative Commons License
MIL ePORTFOLIO by Edison A. Mendoza is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
Based on a work at https://124edimenmil.blogspot.com/2019/08/introduction-to-mil-foreword-purpose-of.html.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento